Aktor binakbakan ng fans ni aktres matapos umaming walang naganap na balikan | Bandera

Aktor binakbakan ng fans ni aktres matapos umaming walang naganap na balikan

Cristy Fermin - March 01, 2019 - 12:35 AM

TAMA ang katwiran ng mga nagtatanggol sa isang kilalang male personality. Bawal daw magsinungaling, pero kapag nagpakatotoo naman, kasalanan pa rin?

Ganu’n mismo ang argumento. Diretso kasing sinabi ng male personality na walang naganap na pagbabalikan nila ng isang aktres na dati na niyang nakarelasyon nu’ng mga bagets pa sila.

Sabi ng tagadepensa ng male personality, “Pilit nilang pinaaamin ‘yung guy, magsalita na raw siya dapat, linawin na niya ang mga tanong ng fans para hindi naman umaasa ang girl.

“Panay-panay ang pangungulit nilang umamin na kasi ang lalaki, ayaw raw nila ng pinaghihintay sila!

Nu’ng sabihin naman ng guy ang totoo, inupakan pa rin siya!” simulang kuwento ng aming source.

Ninenega ngayon ang male personality na nagsabing hindi naman umabot sa pagbabalikan ang relasyon nila ng magandang aktres. Paasa raw siya, feeling guwapo, ganu’n daw ang male personality.

Balik-chika ng aming source, “Ang nakakatawa lang, e, hindi tuloy malaman nu’ng guy kung saan siya poposisyon. Kailangan ba niyang pasayahin at pagbigyan ang mga taong gusto silang magkabalikan ng girl?

“Alin ba ang mas gusto niya, ang magpakatotoo siya para tapos na ang kuwento? E, hindi sinungaling ‘yung guy, nagpakatotoo siya, kaya ayan, binibimbang siya ng mga faney ng girl!

“E, ano naman ang mapapala nu’ng guy kung palalabasin niyang nagkabalikan sila, e, kung hindi naman ‘yun totoo? Nakakaloka ang mga faney, kung ano ang gusto nila, ‘yun ang kailangang mangyari?

“Ang dapat nilang kuwestiyunin, e, ang girl na wala nang ginawa kundi ang tumira sa harapan ng gadget niya. Post nang post ng kung anu-anong kuwento, emo nang emo, kaya ayan tuloy, marami namang naniniwala sa mga pinalalabas niya.

“’Yun ang nakakahiya, ‘no! Pilit pang pinalalabas na sila na, samantalang hindi naman, dahil may non-showbiz girlfriend ang guy!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nagpakatotoo na nga, inuupakan pa nila! Buti na lang at mabait ang male personality, kontrolado ang emotion niya, hindi gaya ng girl na puro emote ang alam, kaya napapahiya tuloy siya!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na, kailangan n’yo pa ba naman ng clue kung sinu-sino sila?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending