Matteo nagsisigaw habang lumilipad: I Love You Sarah! I Love You!

KAHIT hindi sang-ayon ang kanyang pamilya, lalo na ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo, itinuloy pa rin ni Matteo Guidicelli ang matagal na niyang pangarap na makapag-sky diving.

Sa kanyang Instagram account, ipinost mismo ni Matteo ang ilang litrato na kuha sa pagtalon niya mula sa isang aircraft. Bago ito, nag-share rin siya ng ilang photos mula sa WCC Binalonan Airfield kung saan makikita ang ginawa niyang paghahanda bago tumalon.

Nilagyan niya ito ng caption na, “My love, I flew today. Thank you Mama, Papa, @giorgiafguidicelli, @pguidicelli and my Sarah for letting me jump out of a plane by myself. Sorry for the stress.”

Isang video naman ang ipinost ng professional skydiver na si Snooky Cruz sa kanyang Facebook kung saan maririnig ang aktor na isinisigaw ang pangalan ni Sarah. Aniya, “I love you, Love. I love you, Sarah!”

Kung babasahin ang mensahe ni Matteo, mukhang kontra ang kanyang girlfriend sa sky diving pero napapayag din ito kaya siguradong matinding stress at takot ang naramdaman ng Pop Royalty sa ginawa ng binata.

In fairness, mula pa noon ay talagang into sports na si Matteo kaya nga binansagan siyang “Multi-athlete From Cebu”. Bukod sa pagiging award-winning professional kart racer and triathlete, favorite rin niya ang basketball, cycling, swimming, running, at polo.

Read more...