MARIAN walang kwentang gma primetime queen, Dapat nang iputong ang korona kay CARLA

Matagal nang natsitsismis na lalayasan ni Marian Something ang GMA  once her contract with the network expires next month. But there were also reports na siya ang next leading lady ni Alden Richards sa susunod na soap nito.

Well, hindi naman actually kawalan si Marian sa Siyete. Wala naman kasi siyang kuwentang Primetime Queen. Her last two projects were not a hit among the televiewers.

Actually, meron namang karapat-dapat na bigyan ng Primetime Queen title. Da who siya? Si Carla Abellana, sino pa? Actually, mas magaling umarte si Carla kaysa kay Marianita. That’s a fact.

In fact, sa My Husband’s Lover episode last Thursday and Friday ay ang galing-galing niya. Doon pa lang sa breakdown scene niya sa ospital ay ipinakita niya ang kanyang bets moment as an actress.

Tamang-tamang timpla lang ng acting ang kanyang ipinakita, hindi OA at lalong hindi hysterical. Actually, ang galing din nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa hospital scene nila, lalo na ang huli nang aminin niya kay Carla na bakla rin siya katulad ng character ni Dennis.

Nang hawakan niya ang kanyang baba at umiyak ay ipinakita ni Tom ang kanyang sensibility as an actor. Ang husay niya sa eksenang iyon.

Hindi kami magtataka kung magwagi ng best actress trophy si Carla sa mga susunod na award season. Magaling naman talaga siya, hindi katulad ni Marianita na wala namang binatbat sa pag-arte at wal naman talagang improvement as an actress.

Read more...