Horoscope, February 28, 2019 | Bandera

Horoscope, February 28, 2019

Madam Sophia |February 28,2019
facebook
share this

Horoscope, February 28, 2019

Madam Sophia - February 28, 2019 - 01:49 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung nagbabalak magpaganda ng bahay kurtinang apple green ang magbibigay ng suwerte at magandang kapalaran – ikabit at gamitin mo na ngayon! Sa pag-ibig, kung apple green ang isusuot, matamis na romansa ang kasunod. Sa pinansyal, sa pamamagitan ng kulay na apple green mas mabilis na kikita ng malaking halaga. Mapalad ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi masamang tumulong, subalit kung lagi namang ikaw ang inaasahan, parang kinukunsinte mo ang mga tamad. Sa pag-ibig, ang kinabukasan ng pamilya ang mas dapat umahin at pahalagahan. Mapalad ang 6, 17, 25, 28, 46 at 49. Mahiwag among mantra: “Viola-Violae-Om.” Blue at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Habang patuloy kang tumutulong at nagmamalasakit sa iyong kapwa, tuloy-tuloy ding darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Sa pag-ibig, hanggat marunong kang magparaya at magpasensya, tuloy-tuloy ang maligayang relasyon. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Tama ang pagkukuripot kung pagyaman ang layunin. Aaanhin ang salitang pagmamahal kung pareho naman kayong walang pera. Higit na mas nagiging maligaya ang relasyon kapag nabibili nyo ang mga bagay na gustong-gusto nyang bilin. Kaya mag-ipon at magpayaman na kayo ngayon! Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Kebalam-Om.” Gray at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Hindi ka dapat magpadaig sa emsoyon. Pag-isipan mong mabuti ang pagpapasya bago maglabas ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, wag umasa ng umasa sa kasuyong maangas, kailangang magkaroon ka ng sarili income at makatayo sa sariling mga paa. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Beeja-Om.” Beige at black ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — May mga intriga na namang naka-abang, kaya kung ayaw mong mapaki-alaman wag ding makialam sa buhay ng iba. Simulan mo na ang negosyon noon mo pa naiisip. Sadyang paborable sa iyong kapalaran ang buwan ng Marso. Mapalad ang 1, 8, 19, 22, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Om.” Yellow at violet ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Wala nang ibang panahon kundi ngayon upang magbago! Disiplinahin ang sarili na magtipid. Sa pag-ibig, wag kang mag-hintay ng “ideal love” hindi darating yan! Makipag-relasyon sa isang Taurus upang lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Silver at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Pabago-bago ang lagay ng panahon kaya uso na naman ang ubo at sipon. Sa pag-ibig, regaluhan ng prutas at sariwang gulay ang kasuyo upang hindi siya magkasakit. Sa pinansyal laging maglaan ng pera para sa mga bagay na pang emergency. Mapalad ang 6, 18, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Red at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig tama lang na ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon sa isang Cancer. Sa pinansyal ituloy ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa ganyang teknik tuloy-tuloy ka lang sa kasalukuyang ginagawa, higit kang mas magiging maligaya at sasagana. Mapalad ang 4, 9, 18, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Nada-Vagisa-Om.” Pink at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Lakas ng loob ang kailangan. Kapag malakas ang iyong loob at may tiwala ka sa iyong sarili, mas madali kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, tama lang na ikaw ang masunod kaysa sa kasuyo, dahil mas mahusay ka naman talaga sa kanya na magdesisyon. Mapalad ang 3, 18, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Maroon at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Ituloy ang kasalukuyang hanap buhay at dagdagan pa ang pagsisipag, darating din ang araw kusa kang yayaman. Sa pag-ibig, dalasan pang lalo ang pagte-text sa minamahal, upang lalo pang uminit ang relasyon. Mapalad ang 8, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Sa pag-ibig maging praktikal upang hindi ka na lumuha pang muli at masaktan. Sa pinansyal panahon na upang magpakatuso at mag hanap ng mga gawaing makapagdagdag sa iyong income. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Black at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ito ang araw na pagkakalooban ka ng langit ng magagandang kapalaran. Tunay ngang aangat ng husto ang iyong kinikita, habang walang magagawa ang kasuyo kundi ang suportahan ka sa lahat ng iyong mga proyekto at pinagkakaabalahan. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Om.” Pink at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending