BUMUHOS ang luha ni Arnell Ignacio habang nagkukuwento kung bakit kailangan niyang lisanin ang kanyang posisyon sa gobyerno bilang Deputy Administrator ng OWWA.
Pamilya ang pangunahing dahilan kung bakit siya nag-resign.
“Trabaho ako nang trabaho, inaasikaso ko problema ng ibang tao, nagta-travel ako around the world, hindi ko alam na may stage 4 cancer na pala ang tatay ko at ako pa yung huling nakaalam,” umiiyak na sabi ni Arnelli.
Pangalawang dahilan niya ay pressured na siya sa kanyang iniwang posisyon dahil maraming bawal. Hindi raw siya makakilos at aminado siyang sumasakit na ang ulo niya.
“My task, the task is asking for more and I cannot do it anymore. Hindi ko puwedeng isakripisyo ang pamilya ko. Ang hirap. For three years, pakiramdam ko I have to fix myself again,” sabi ni Arnell.
As of presstime ay hindi pa niya alam kung natanggap na ng Malakanyang ang kanyang resignation.
Pero sa kanyang pagbibitiw, hahawakan naman niya ang posisyon bilang spokeperson ng Juan Movement na hindi na rin bago sa kanya dahil mga kaibigan niya naman ang mga kasama niya rito.
Wala rin palang offer sa kanyang tumakbo sa local government sa kanyang lugar. Meaning, hindi siya tatakbo sa kahit na anong posisyon ngayong May elections.
Umiyak din siya nang sabihin niyang miss na miss na niya ang showbiz kung saan napakalaki daw ng kanyang utang na loob.
Handa na rin daw siyang sumabak sa mundo ng telebisyon at pelikula kapag may nag-offer sa kanya.