Bea nabuntis, nanganak, ni-rape sa ‘Dragon Lady’


WALANG pag-aalinlangang tinanggap ni Bea Binene ang role bilang “nanay” ni Janine Gutierrez sa upcoming series ng GMA 7 na Dragon Lady.

Si Bea ang gaganap na young Almira (na magiging si Diana Zuburi) na mabubuntis sa kuwento ni Derrick Monasterio bilang si Charles na anak ng mayamang Chinese businessman. Pero ang tatayong tatay ng kanyang anak ay si Kristoffer Martin na gaganap naman bilang si Bryan.

Sa pagdaan ng panahon, si Kristofer ay magiging si James Blanco. At si Janine nga ang gaganap na anak nila ni Diana Zuburi.

Nakachikahan namin si Bea sa pa-presscon ng GMA para sa kanila nina Kristofer at Derrick, at sinabi nga niyang kahit maikli lang ang partisipasyon nila sa Dragon Lady, naniniwala siyang magiging markado naman ito sa mga manonood.

“Ako rito ‘yung young Almira, siyempre happy ako kasi napasama kami rito. Biglaan itong nabigay sa amin, at napakaganda ng story kaya tinanggap namin. Wala namang issue kung guest or cameo lang kami rito, ang mahalaga maganda ‘yung role and kakaiba,” aniya.

Excited na rin ang dalaga na mapanood ang mga bonggang special effects ng Dragon Lady, “Talagang pinaghirapan siya, maraming effects. Excited akong mapanood ng mga tao.”

Ayon pa kay Bea, napasabak din siya sa “bed scene” with Derrick, idagdag pa ang intimate moments nila ni Kristoffer at ang rape scene niya with Leo Martinez. Matitindi rin daw ang dramahan nilang tatlo sa serye.

“Naubos ang luha ko. Ha-hahaha! Madrama siya na hindi mo mai-imagine kasi maraming unexpected na pangyayari na hindi mo usually napapanood sa isang teleserye,” pagmamalaki pa ni Bea sa bagong proyekto.

Malapit nang mapanood ang Dragon Lady sa GMA sa direksyon ni Paul Sta. Ana. Kasama rin dito sina Joyce Ching, Edgar Allan Guzman, Tom Rodriguez at marami pang iba.

Read more...