NAG-REUNION nitong nakaraang Martes ang “Glorious” stars na sina Angel Aquino at Tony Labrusca kasama ang ilan pa nilang kaibigan.
Naging kontrobersyal ang dalawa dahil sa mga ginawa nilang love scene sa hit digital movie na “Glorious” na ipinalabas sa iWant last year.
Ipinost ni Angel sa kanyang Instagram account ang litrato nila ni Tony na may caption na, “Glorious night. Great company. Good wine. Groovy conversations. We definitely weren’t sober.”
Sa isa pang IG post, sinabi ng aktres na na-miss niya nang husto ang kanyang leading man, “I think Glory missed Niko so mucho!”
Nakasama rin nila sa kanilang “date” ang nanay ni Tony na si Angel Jones.
Marami ang nagre-request na sana’y magkaroon ng part 2 ang “Glorious” dahil nabitin daw sila sa ending ng nasabin digital film.