VICE may ‘SAKIT’ sa lalamunan, kailangan daw mag-steroids


MAY  tumubong “polyps” sa lalamunan ni Vice Ganda. Ito ang dahilan kung bakit hindi muna siya mapapanood sa It’s Showtime, kailangan daw niyang magpahinga nang ilang araw. Ang polyps ay mga sobrang laman o maliliit na bukol na kalimitang tumutubo sa lalamunan ng isang tao.

Ayon mismo sa Phenomenal Box-Office Star, nagpatingin na raw siya sa doktor at nalaman nga niya na “seriously damaged” na ang itaas na bahagi ng kanyang vocal chords.

Sey pa ni Vice sa kanyang Twitter account, kung hindi raw makukuha sa gamutan, maaari raw sumailalim siya sa operasyon para tuluyang maalis ang tumubong “polyps” sa lalamunan niya.

Narito ang kabuuan ng mga tweet ni Vice Ganda kahapon ng umaga, “GANDAng tanghali Unkabogables. Just woke up to take my meds. Its my second day of steroids and strictly no talk therapy.

Sorry guys u wont see me muna in Showtime. The doc found polyps in my vocal chords. Di na nagsasara yung upper part coz its serously damaged.

“(2) The blood vessels are swollen and might collapse. I have also acid reflux na lalong nagpalala. Were trying steroids now and strictly (3) no talk for the next days. Pag di gumaling i wil have to undergo surgery.

“Ilang araw nkong papel at ballpen ang katapat ko dahil kailangan kong isulat kung anung sasabihin ko. It will take a few days but im sure ill be fine. The Lord loves me. Im not even bothered.

“Anyway @annecurtissmith will be back in showtime later. Katumbas na yun ng doseng bibig ko!!! (Kailangan tlga dose? Di pwedeng sampu?!)” biro pa ng TV host-comedian.

Biro naman ng ilang kaibigan ni Vice, baka raw kasi kung anu-ano ang isinusubo at nilululon nito kaya na-damage ang kanyang lalamunan! Ha-hahaha! Kayo, talaga!

Read more...