Dayan na-cite ng indirect contempt dahil sa pagtangging tumestigo vs de Lima

NA-cite ng indirect contempt ang dating driver ni Senator Leila de Lima ng Quezon City Metropolitan Trial Court (QC MeTC) Branch 34 matapos tumangging tumestigo laban sa mambabatas.

Nakatakda sanang umupo si Ronnie Dayan sa witness stand para tumestigo laban sa senador kaugnay ng kasong disobedience to summons case.

Iginiit ni Dayan na kapwa sila nahaharap sa iisang kaso ni de Lima kayat ayaw niyang tumestigo.

Kinasuhan sina de Lima at Dayan ng disobedience to summons noong 2016.
Nagpadala umano si de Lima ng text sa anak na babae ni Dayan kung saan sinabihan niya ito na wag padaluhin ang kanyang ama sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng talamak na iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison sa 2016.

Matatandaang sina dating Speaker Pantaleon Alvarez at Rep. Rodolfo Fariñas at Reynaldo Umali ang nagsulong ng kaso laban kina de Lima at Dayan.

Itinakda ng QC MeTC ang susunod na pagdinig sa Mayo 15.

Read more...