IBINALITA ng misis ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee na muli siyang magkakaroon ng bonggang-bonggang garage sale.
Ayon kay Jinkee, ipagbibili niya ang ilan sa kanyang mga favorite collection, mula sa mga branded shoes, bags hanggang sa mga mamahalin niyang damit.
Ito ang ipinost niya sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang koleksyon niya ng mga mamahalin at sosyal na sapatos.
Isa ito sa mga nakatakdang gawin ng asawa ng Pambansang Kamao para sa Manny Heart Foundation, ang itinayong charity institution ng mag-asawang Pacquiao na siyang nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan nilang kababayan mula sa problema sa edukasyon, kalusugan at pabahay.
Wala pang announcement si Jinkee kung kailan gaganapin ang kanyang garage sale.