Rochelle nanganak na sa panganay nila ni Arthur

ISANG healthy baby girl ang isinilang ng Kapuso actress-dancer na si Rochelle Pangilinan last Sunday night sa The Medical City sa Ortigas, Pasig.

Kasama ni Rochelle ang kanyang asawang si Arthur Solinap mula nang siya’y mag-labor hanggang sa ipanganak na ang kanilang panganay na anak.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala lang napipiling pangalan ang mag-asawa para sa kanilang first baby. Namimili pa sila sa listahang ginawa nila.

“Ang gusto niya kasi, Shiloh. ‘His gift’ ang meaning niya sa Bible. Ang gusto ko naman Elisha, gusto ko rin yung Bliss, meaning perfect joy, supreme joy,” ang sabi ni Arthur.

Ayon kay Arthur, okay naman ang kalagayan ng kanyang mag-ina at mukhang mabilis namang nakaka-recover si Rochelle.

Read more...