HINDI pa man tapos ang paggawa ng album ni Maine Mendoza sa Universal Records, kumalat na sa social media ang tweet ng may user name na @Universal Motions Dancer ang magiging title nito.
Wala pang kumpirmasyon tungkol dito ang recording company pero ang title umano ng album ng Phenomenal Star ay “Bikining Dilaw,” huh!
Porke ba yellow ang favorite color ni Meng eh, isusunod na rito ang title ng kanyang debut album? Novelty ba ang ginagawa niyang album?
Baka naman bagong version ng dating kanta na “Bikining Itim” ang tono nito, huh! Kaloka lang!
Pero ang masasabi lang namin, ang pangit ng title ng album kung totoo man ang tweet ng nasabing netizen. Parang wala siyang dating at malayo sa image ni Maine.
MOST READ
LATEST STORIES