Coco sinagot ang hospital bill, pagpapalibing kay Kristofer King


BALITANG sinagot na ni Coco Martin ang lahat ng gagastusin sa libing ng namayapang indie actor na si Kristofer King o Christopher Reyes sa tunay na buhay.

Dumalaw ang Kapamilya actor-director sa burol ng kanyang kaibigan kamakalawa ng gabi kasama ang isa pang malapit sa aktor na si Direk Brillante Mendoza para makiramay sa mga naulila nito.

At dito nga ipinangako ng Teleserye King na siya na ang sasagot sa pagpapalibing kay Kristofer. Bukod dito, si Coco rin ang nagbayad ng hospital bill ng aktor. Isa si Kristofer sa mga nakasabayan ni Coco noong nagsisimula pa lang siya sa paggawa ng mga indie movies. Ilan sa mga pinagsamahan nilang pelikula ay idinirek ni Brillante Mendoza tulad ng award-winning movie na “Masahista” (2005) at “Serbis” (2008).

Nakasama rin si Kristofer sa unang bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Nakaburol pa rin ang labi ng indie actor sa Rizal Funeral Homes sa Pasay at wala pang eksaktong petsa kung kailan ang araw ng libing.

Read more...