Maymay pinatunayan na kering-keri gumanap sa life story ni Catriona

MULING pinatunayan ni Maymay Entrata ang kanyang magic at karisma sa runway sa naganap na mini fashion show during the “Raise Your Flag” homecoming concert para kay 2018 Miss Universe Catriona Gray last Sunday sa Araneta Coliseum.

Grabe ang tilian at palakpakan nang rumampa na si Maymay sa Big Dome suot ang kanyang “mini lava gown” na ginawa ng fashion designer na si Mak Tumang na siya ring nag-design ng gown ni Catriona sa Miss Universe pageant na talaga namang pinag-usapan sa buong mundo.

Nakasama ng PBB Lucky Season 7 Big Winner ang iba pang Filipina beauty queens na rumampa sa event bilang pag-welcome sa pagbabalik ni Catriona sa bansa makalipas ang ilang linggong pananatili sa New York para sa ilang commitments niya roon bilang reigning Miss U.

Siyempre sa huling bahagi ng mini fashion show, muling rumampa si Cat suot ang kanyang lava gown.“Sobrang malaking opportunity para sa akin. Sobrang sarap sa feeling dahil pinagkatiwalaan akong mag-opening sa show na ito tapos mga kasama ko pa beauty queens. Nagtatanong pa nga ako kung kailangan kong maging beauty queen (sa rampa) pero hindi naman pala kailangan, just be me.

“At dahil pinili nila akong mag-opening dahil ako ‘yung gumanap sa VTR, mas binigyan nila ako ng pagkakataong mas makilala si Catriona at sobrang na-inspire ako. Kahit kinakabahan ako, ginalingan ko talaga para sa kanya,” sabi ni Maymay sa panayam ng ABS-CBN.

Natanong din siyempre ang ka-loveteam ni Edward Barber tungkol sa balitang siya na ang bibida sa gagawing life story ni Catriona na ipalalabas sa Maalaala Mo Kaya, “Malabo talaga, kasi mahaba ‘yung preparations, training.”

“Hindi po (ako). Na-misinterpret lang nila ‘yung sa MMK, for the VTR lang po, pero feeling ko naman may mas magpi-fit pa sa MMK na talagang pwedeng gumanap sa buhay ni Catriona,” ang very humble pang pahayag ni Maymay.

Pero komento nga ng mga netizens na nakapanood sa pagrampa ni Maymay sa homecoming concert para kay Catriona, pwedeng-pwedeng mag-portray ang dalaga sa life story ng pinakamagandang babae ngayon sa buong universe.

Read more...