NAPAAMIN ang ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad sa isang programa sa TV kung sino ang Kapuso personality na matagal na niyang crush.
Sa larong “Slum Sticks,” ng Taste Buddies sa GMA News TV napilit ng mga host na sina Gil Cuerva at Solenn Heussaff na pangalanan ang kanyang crush.
Ayo kay Clint ang resident lawyer ng morning show ng GMA 7 na Unang Hirit ang isa sa mga hinahangaan niya sa Kapuso Network.
Chika ng hunk model-actor, “I have a crush on a lady from Unang Hirit. She’s a lawyer there, what’s her name? I think she’s beautiful.” Ang tinutukoy niya ay si Atty. Gaby Concepcion.
Pahayag ng binata, ang combination ng beauty, brains and personality ni Atty. Gaby ang gustung-gusto niya rito.
“I think she is class A lady. She’s like…whatever, I have a crush on her. I think she’s a beautiful lady,” aniya pa.