May HIV pwede na ma-insured

KASALI na ang mga taong may HIV sa mga maaaring makakuha ng health at life insurance.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ayon sa bagong HIV law hindi na maaaring tanggihan ng insurance ang isang tao dahil siya ay mayroong HIV.

Sa ilalim ng Section 42 (e) ng RA 11166: “No person living with HIV shall be denied or deprived of private health insurance under a Health Maintenance Organization and private life insurance coverage under a life insurance company on the basis of the person’s HIV status. Furthermore, no person shall be denied of his life insurance claims if he dies of HIV or AIDS under a valid and subsisting life insurance policy.”

Inaasahan na babaguhin ng mga insurance company ang kanilang polisiya upang makasunod sa bagong batas na ipinatupad noong Enero 25.

Ang mga hindi susunod ay maaaring makulong ng hanggang limang taon at pagmultahin ng hindi bababa sa P50,000. Maaari ring suspendihin at kanselahin ang kanilang business permit o lisensya.

Sinabi ni Pimentel na mayroong polisiya ang isang insurance firm na nagsasabi na walang makukuhang benepisyo ang isang taong insured kung mamamatay ito dahil sa HIV o komplikasyong dulot nito.

Wala pang gamot sa HIV subalit maaaring Antiretroviral Therapy na nakapagpapabagal sa paglaki ng virus.

Noong 2018, 11,427 kaso ng HIV ang naitala sa Department of Health- National HIV & AIDS Registry.

Mula 1984, 62,029 kaso ng HIV na ang naitala. Sa naturang bilang 3,054 ang namatay na.

May 33,575 naman ang sumasailalim sa ART.

Read more...