POSIBLENG humina ang bagyong Wutip pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo ay nasa layong 1,830 kilometro sa silangan ng Southern Luzon.
Posibleng pumasok ito ng PAR sa Huwebes ng umaga kung hindi magbabago ng bilis at direksyon. Tatawagin itong Betty pagpasok sa PAR.
Ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 190 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 235 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Nananatili naman ang pagpasok ng malamig na Hanging Amihan na maaaring magpahina sa bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES