UMUUSOK pa rin ang isyung hiwalayan sa magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kahit nagpaliwanag na si Kathryn na aksidente lamang ang pag-unfollow niya sa Instagram account ni Daniel tila hindi pa rin naniniwala ang ibang netizens.
Sa mga pahayag ng ina ni Daniel na si Karla Estrada, may pagdidiin siya sa kanyang linya na hindi ang anak niya ang nabalitang nang-block kay Kathryn.
For sure, may nalalaman si Karla pero ayaw niya siyempre na sa kanya manggaling kung true na hiwalay or may tampuhan sina Kathryn at Daniel. Kaya sinasabi ni Karla, hayaan na lang daw ang dalawa.
Hayaan na lang natin kung sino sa kanila ang unang umamin, ganoon?
Mukhang may malalim na pinagdaraanan sina Kathryn at Daniel nga-yon. As of this writing, we heard nasa Japan si Daniel, minus Kathryn. And prior to this, may tsismis na may natsitsismis na ibang babae kay Daniel na taga-Batangas. Karugtong pa ito ng ba-litang magpapahinga muna si Daniel for one month.
Samantala, bigla naman ang balitang may bago na raw leading man si Kathryn for her next movie project – si Alden Richards.
Well, kung matutuloy ito, magkakaalaman na kung sino talaga kina Kathryn at Daniel ang may mas maraming solid fans kapag nagkanya-kanya na sila ng proyekto.
q q q
Kilig to the highest level ang TNT Boys na sina Mackie Empuerto, Francis Concepcion and Kiefer Sanchez sa big surprise appearance ng international singer na si Ariana Grande nu’ng mag-guest sila sa programang The Late Late Show ni James Corden.
Parehong malalaking stars abroad sina Ariana at James na nakasama ng TNT Boys. Tinawag ni James si Ariana bilang number one artist in the world today habang isa naman sa mga pinakasikat na host si James sa buong mundo. Siya ang nagpauso at nagpasikat ng “Carpool Karaoke” kung saan ka-sing along niya ang A-list artists sa US and Europe.
Super layo na talaga ng narating ng TNT Boys at sobramg nakaka-proud for all of us. Last time we had that experience ay nu’ng panahon pa ni Charice Pempengco.
Nakaka-sad lang at agad na-shortlive ang success ni Charice. Pati personal life niya ay nagkawindang-windang.
Hopefully, natuto na ang mga namamahala sa career ng TNT Boys sa sinapit ni Charice. Siguro naman ay naaalalayan at natututukan din ng mga nagma-manage sa TNT Boys ang aspetong-moral, emosyonal at ispiritwal ng tatlong bata.