3 patay, P150K shabu nakumpiska sa buy-bust sa Albay

TATLONG lalaki ang napatay nang manlaban umano sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Daraga, Albay, Biyernes ng gabi.

Nakilala ang mga napatay bilang sina Pedrito Tibay alyas “Mao,” Jeruth Catubig alyas “Bunker,” at isang Carlo Rima, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Isinagawa ng mga tauhan ng Daraga Police, iba-ibang unit ng provincial police at regional police, Philippine Drug Enforcement Agency, at military intelligence operatives ang buy-bust sa Purok 7, Brgy. Binitayan, dakong alas-6:20.

Nauwi sa palitan ng putok ang operasyon, at dito napatay ang mga suspek, ani Calubaquib.

Narekober sa mga suspek ang limang sachet na may aabot sa P150,000 halaga ng hinihinalang shabu, P30,000 buy-bust money, at tatlong baril. 

Read more...