PINAGLAANAN talaga ng panahon at atensiyon sa isang malaking umpukan ng mga nagtatrabaho sa telebisyon ang isang pamosong female personality na palaging hindi maganda ang kuwento ng pakikipaghiwalay sa kanyang karelasyon.
Ang ibang nagkakahiwalay ay nagiging magkaibigan pa rin, pero ang babaeng personalidad na ito ay palaging kakaiba ang pakikipag-break, hindi magaganda ang mga salitang ipinupukol laban sa kanya.
Kuwento ng aming source, “Bilangin n’yo ang mga nakarelasyon niyang artista, marami na, di ba? Pero bakit ganu’n? Wala siyang nagiging kaibigan pagkatapos ng break-up nila, palaging nega ang image ng girl?
“Mula sa unang male personality na nakarelasyon niya hanggang sa pinakahuli, ano ang nababalitaan natin, di ba, puro nega? Palaging hindi maganda ang mga komento tungkol sa kanya!
“Palaging ayaw sa kanya ng family ng guy, ano kaya ang nakikita sa kanya ng mga taong malapit sa puso ng lalaki, paimbabaw lang ang ipinakikita niyang ugali na bait-baitan?
“Wala bang sincerity kasi ang mga ginagawa ng babaitang ito kapag off-cam na? Consistent ‘yun, ha?
Ayaw talaga sa kanya ng family and friends ng mga nagiging karelasyon niya,” napapailing na chika ng aming impormante.
Nagkaroon din siya ng karelasyong kilalang-kilala rin sa linyang kinabibilangan ang lalaki. Ganu’n din ang kuwento, hindi siya gusto ng pamilya ng lalaki, negang-nega rin ang kanyang imahe.
“Ibang mundo na ‘yun, ha? Hindi na showbiz ‘yun! Pero ano nga kaya ang dahilan at hindi siya nagugustuhan ng mga paryentes ng mga nagiging BF niya? Bait-baitan lang kaya talaga siya?
“May sariling mundo kasi ang babaeng ‘yun, e. Walang ibang comment ang mga nakakatrabaho niya kundi may sarili raw siyang mundo. Matindi ang sumpong niya.
“Kapag ayaw niyang may kausap, deadma lang siya sa lahat, wala siyang pakialam, basta gusto niyang mapag-isa. Puwede ba naman ‘yun sa pinasok niyang mundo?
“Sabi ng isang sikat na direktor, ‘O, e, ano naman ngayon kung ayaw niyang mamansin? E, di isaksak niya sa baga niya ang nalalaman niyang privacy? Mamamatay ba ako kapag hindi niya ako kinausap?’
“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, may pakpak pa naman ang name niya, di ba? Sayang!” pagtatapos ng aming source.