Pangarap din ni Nadine Lustre ang maging bride. Yan ang sagot ng dalaga nang matanong tungkol sa isyu ng kasal at live in.
Sa presscon ng latest movie ni Nadine under Viva Films, ang “Ulan” natanong siya kung naniniwala ba siya sa marriage?
“Kasi I think marriage kasi is ano parang formality,” sagot ng girlfriend ni James Reid. Sundot na tanong, kung okay lang sa kanya na walang kasal?
“Siyempre po gusto ko rin meron para it makes everything, it makes the relationship formal,” aniya pa.
“Basta ngayon, I’m not rushing. Siyempre I would want a wedding kasi it’s different (pa rin kapag kasal) and I have friends also na ikinasal. Sabi nga po nila iba pa rin yung feeling kapag kinakasal ka and ikaw yung naka-wedding gown, ikaw yung naglalakad sa aisle. So I would wanna feel that also. But I’m not rushing,” chika pa ng lead star ng “Ulan”.
Ano ang dream wedding niya? “Gusto ko po sana either garden or beach. Kasi mahilig talaga kami (ni James) na sa nature and we also love the beach.”
At sa tanong kung anu-ano ang mga natutunan niya sa halos tatlong taon na nilang relasyon ni James, “Ang pinakamalaking nagawa sa akin ng relationship namin is to learn to accept myself.
“Kasi before, marami akong insecurities, ang dami ko pong problema. Parati po akong stress and all. Pero nu’ng naging kami po kasi ni James parang natutunan ko pong mag-relax, tapos maglet-go lang to enjoy life,” tugon ng dalaga.
Samantala, first time namang magbibida sa movie si Nadine na hindi kapartner si James. At dito nga sa “Ulan” ay very positive ang dalaga na magugustuhan ito ng JaDine fans dahil sa ganda ng kuwento at pagkakadirek ni Irene Villamor.
Kasama ni Nadine rito sina Carlo Aquino, Marco Gumabao at marami pang iba. Paglilinaw ni Nadine, hindi horror ang “Ulan” kahit na may nakikitang tikbalang sa trailer. Isa itong kakaibang kuwento ng pag-ibig kung saan may mahalagang bahagi ang ulan. Showing na ito sa March 13 sa mga sinehan nationwide.