Karen bugbog-sarado sa fans ni Pacquiao: Akala mo naman kung sino kang magaling!


NA-BASH nang husto si Karen Davila over her recent interview with Sen. Manny Pacquiao.

Manny kasi was asked kung pabor siya sa panukalang dapat college degree holder ang mga politiko. The boxing champ answered in the affirmative.

When asked kung saan siya nag-aaral para sa kanyang college degree, Manny refused to name the university.

Na-bash si Karen dahil pinu-push daw nito ang college degree sa interview niya kay Manny. Parang minemenos daw nito ang boxing-champ-turned politician.

“Many people are educated but not totally mannered. Example: Karen Davila.”

“Ikaw Karen my degree pero walang moral. Grabe ka makadiin sa degree. Ung kinakausap mo mas maraming natulong at magandang parangal sa bansa natin. Ikaw Anu ba nagawa muh? Kabwisit ka. Lam muh ikaw ang tipong tao na nakadamit, balot ang katawan, pero tanaw na tanaw ang kalooban.”

“Si Pacquiao walang degree pero mas mukhang may pinag-aralan pang makitungo at makipag-usap sa tao hindi mapanghusga, si Karen akala mo naman kung sinong magaling. Si Pacquiao kahit walang degree pero may karangalan na naipasok sa bansa kesa sa Karen na may degree kuno.”

“Hahahahaha! Please Davila wang kang obvious. You cannot put down upright and man of God. Choosing leaders should not be based on education.”

‘Yan ang hanash nila against Karen.

First of all, Karen did not belittle Manny. She was just asking pertinent question. Hindi niya kasalanan kung hindi nakatapos ng college si Manny.

Second, there was no way in the interview which showed she was condescending in the way she asked the Pambansang Kamao. Hindi niya binastos ang senator.

Three, kung nag-aaral si Sen. Manny, bakit hindi niya masabi kung saang school. Senador ka, dapat may transparency ka. Dapat malaman ng taumbayan kung saan ka nag-aaral.

Four, hindi hinuhusgahan ni Karen si Manny. There was no instance na she passed judgment on him not being able to finish college.

Five, the interview is not about bringing honor to our country. It is about a possible panukala which will have all our politicians earn a college degree first before entering politics.

Actually, dapat lang naman talagang may college degree ang sinumang papasok sa politika. This must be a MUST so that the government must get rid of malfunctioning idiots na wala namang naitulong sa pagsusulong ng batas.

Read more...