Mikee aksidenteng nadampot ang bagahe ni Piolo sa airport

MIKEE QUINTOS

NA-SHOCK  ang Kapuso young actress na si Mikee Quintos nang malamang hindi pala sa kanya ang nadampot na maleta sa Los Angeles International Airport.

Sa kanyang bagong vlog entry, ikinuwento ng dalaga ang naging experience niya sa pagpunta sa Florida, USA nitong nakaraang holiday season.

Ayon kay Mikee, isang challenge para sa kanya ang manatiling gising at active after her tiring and seven-hour layover at Los Angeles. Kasama niya sa nasabing trip ang sister niyang si Louisa Quintos.

Sa isang bahagi ng video ni Mikee, ipinakita ang kanyang pagkabigla nang malamang hindi sa kanya ang nadampot nilang luggage sa Tom Bradley International Terminal, LA International Airport.

Pero ang mas ikinagulat ng dalaga ay kung kanino ang nasabing bagahe – kay Piolo Pascual lang naman, base na rin sa name tag na nakasabit dito.

Read more...