MayWard fans abangers na sa ‘Kakayanin Kaya’ ni Maymay

MAYMAY ENTRATA

SIGURADONG ngayon pa lang ay abangers na ang MayWard fans sa bagong single na iri-release ni Maymay Entrata.

Trending na ngayon ang teaser nito na inilabas ng radio host na si DJ Jhai Ho sa kanyang Instagram account. Titled, “Kakayanin Kaya”, ang kantang ito ang magsisilbing comeback ni Maymay sa music scene simula nang mag-hit ang kanyang debut self-titled studio album noong 2017.

“Ito na yung sinasabi kong pasabog ni @maymay o diba! Juskooo pag napakinggan niyo yan maloloka kayo malakas maka biritera si Bebe May!” ani Jhai Ho sa kanyang IG post. Kahapon naganap ang official launch ng “Kakayanin Kaya” under Star Pop ng Star Music PH.

Read more...