Horoscope, February 22, 2019

By Madam Sophia February 22,2019
share this

Horoscope, February 22, 2019

By Madam Sophia February 22,2019
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Ang pangungulit ay isang sangkap upang lumigaya at umunlad. Sa pag-ibig, kulitin ang minamahal hanggang makuha mo ang iyong gusto. Sa pinansyal, wag kang titigil hanggang sa yumaman! Mapalad ang 7, 17, 25, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “I will persist until I succeed!” Yellow at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Tanggalin ang pride at wag nang patagalin ang di pagkakaunawaan sa pagitan ng minamahal. Sa pinansyal, habang patuloy kang nagpapakumbaba at hindi nagyayabang, lalong madaragdagan ang kinikita. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Violet at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Ang hina ng loob at pagiging mahiyain ang hadlang kaya hindi ka umuunlad. Alisin ang pagiging mahiyain upang ikaw ay ganap na lumigaya at magtagumpay. Sa pinansyal, dagdagan pa ang lakas ng loob para makuha ang ninanais. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Teneo-Om.” Red at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Upang mawala ang pag-aalinlagan, ngayon pa lang i-prioritize na ang mga pangarap sa buhay. Isa lang ang dapat mong maging layunin – ang yumaman. Sa pag-ibig, i-prioritize ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 4, 17, 28, 38, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” White at black ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Pahalagahan ang bawat sandali. Pagpinalagpas mo ang pagkakataon hindi na ito babalik pa. Sa pag-ibig, wag hayaang mawala ang pagmamahal ng kasuyong Scorpio. Sa pinansyal, sa bawat pagkakaperahang iaalok ng kaibigan, sunggaban agad. Mapalad ang 4, 8, 26, 37, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Gold at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Suwerte ka ngayong araw na ito. Lubos kang masisiyahan sa aspetong pang-damdamin at pang-sekswal. Sa aspetong pananalapi, may darating na malaking halaga na dapat mong tipirin upang wag agad maubos. Mapalad ang 1, 10, 27, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Orissa-Krisna-Om.” Green at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Upang wag masira ang araw, umiwas sa pakikipagtalo. Kahit hindi mo gusto ang suhestiyon ng kasuyong Taurus umoo ka na lang nang umoo. Sa pinansyal, hihina ang kita kung lagi mong pinipilit ang iyong gusto. Mapalad ang 5, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Lahat ng poblema ay may solusyon. Sa salapi, makakaahon ka rin sa mga pagkakautang pagdating ng buwan ng Marso. Sa pag-ibig, patuloy at lalo pang iinit ang pakikipagrelasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 5, 17, 23, 28, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Polluseo-Palleo-Om.” Gray at silver ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Problema sa pananalapi? Wag mag-alala dahil agad din itong malulutas sa tulong ng isang kaibigang galing ibang bansa. Problema sa pag-ibig, sagot ng isang Cancer ang iyong kaligayahan. Mapalad ang 6, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Habang lumalapit ang tag-araw tuloy-tuloy na lalago ang kabuhayan at marami pang oportunidad ng pagkakakitaan ang mabubuksan. Sa pag-ibig, wag nang maghanap ng iba, suwerte ka sa mabait na kasuyo na masunurin pa. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 46, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Rintuan-Jaya-Om.” Violet at magenta ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag mong pag-alinlanganan ang iyong galing at kakayahan. Habang buo ang loob mo, mas madali kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, isang naka-white na katabi mo lang ang may lihim na pagtingin sayo. Mapalad ang 9, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Pink at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Huwag ikumpara ang nakaraang pakikipagrelasyon sa kung ano ang mayroon sa ngayon. Wala kang karapatan pagkumparihin ito. Magpakaligaya sa kasalukuyan. Sa pinansyal, iwasan ang ugaling masyadong mapagbigay at dahil sa ugali mong iyan may babala na mababaon ka na naman sa mga pagkakautang. Mapalad ang 4, 17, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Haram.” Green at purple ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Huwag umasang may balik ang ginawang tulong sa iyong kapwa.Tumulong nang hindi naghihintay ng kapalit. Sa ganyang paraan, sa pinansayal at pag-ibig, lalo kang sasagana at makasusumpong ng pang habang buhay na kaligayahan. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending