SIR/Mam,
Good morning. Ako po si Anselma F. Saluta, na asawa ng Teodulo B. Saluta na namatay noong December 13, 2003.
Ako po’y nakapag pension ng sumunod na taon, 2004, na di ko po alam kung bakit nahinto noong June 13, 2013. Ako po’y nagtanong doon sa main office sa Quezon City, ang sabi roon noong una ay confidential tapos mga ilang punta ko po doon ay sabi mag report ako sa Alabang branch ng SSS.
Ang sabi po roon ay nag-asawa raw po ako kaya po sana nais ko ka-yong makausap ng personal para masabi ko ang lahat at madala mo po ang mga papeles ko kasi mahirap yung sulat ko lang masasabi ang aking mga paliwanag, mahaba po. Sana pakitulungan niyo po ako, kayo na lang ang aking pag-asa.
May sakit na po ako, kaya nahihinto hinto ang aking paglalakad.
Paki sabi nalang po sa may dala nitong aking request sa butihing kapitbahay ko kung kaian ko po kayo pwede ma-meet personal. Mabuti pong personal ko kayong makausap nang malaman niyo po ang detalye.
Salamat po ng marami.
Respectfully yours,
Anselma F. Saluta
REPLY: Ito ay tugon sa katanungan ni G. Anselma Saluta patungkol sa pagkakasuspinde sa kanyang death pension.
Nakipag-ugnayan po kami sa SSS Alabang Branch na siyang sangay ng SSS na nagproseso ng kanyang claim.
Ipinapayo ng SSS Alabang Branch na magtungo siya sa nasabing sangay upang doon siya mainterbyu ukol sa kanyang claim.
Gayundin, iminungkahi rin kay Gng. Saluta ng ng aming branch na magfile siya ng request for resumption ng kanyang pensyon.
Pero gayunpaman isasailalim pa rin siya sa pagsusuri ng Benefits Review Committee.
Nawa’y nabigyan po namin ng linaw ang katanungan ni Gng. Saluta.
Salamat po.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL. FRANCISCO
OIC-Department Head
Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.