Bakbakang Kris-Falcis Brothers: Maghaharap na ngayon sa korte

NICKO FALCIS AT KRIS

KUNG walang mababago sa schedule ay magkikita-kita sa Quezon City Regional Trial Court ngayong hapon sina Kris Aquino, Nicko Falcis at kapatid nitong si Atty. Jesus Falcis.

Maghahain ng kanyang counter-affidavit sa korte ang Social Media Queen sa kasong grave threat na isinampa ni Nicko Falcis.

Bago ito, matatandaang kinasuhan ng 44 counts of qualified theft ni Kris ang dati niyang business associate sa KCA Productions na si Nicko at cyber libel naman laban kay Atty. Falcis na isinampa nito sa Department of Justice noong Nob. 22.

Caption ni Kris sa ipinost niyang litrato ng iba’t ibang kulay ng rosas na hugis puso, “They TRIED but I didn’t allow them to destroy my heart because after all the STRONGEST HEARTS already possess the most scars and on Friday, February 22, 2019, in QC RTC, FINALLY… GOOD NIGHT, shoot tomorrow with my Ate & Bimb. #LABAN.”

Sa unang pagkakataon ay magkikita na sina Kris at Atty. Falcis kaya curious kami kung ano ang magiging reaksyon ng abogado habang si Nicko naman ay halos anim na buwan nang hindi nakikita ang dating boss.

Read more...