Catriona maraming pinaiyak sa homecoming parade; pinayuhan ang susunod na Miss U PH

CATRIONA GRAY

HINDI pinalampas ng mga Pinoy ang pagkakataon na makita up close and personal si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa ginanap na homecoming parade kahapon sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Pumarada si Catriona sakay ng isang lava-inspired float na nagsimula sa Sofitel Hotel grounds sa Manila. Dumaan ang parada sa Roxas Boulevard patungong Buendia na nagtapos sa Ayala Avenue, Makati.

Talagang inabangan ng mga kababayan natin ang pagdaan ni Catriona sa mga nasabing lugar kasabay ng paglabas ng mga empleyado mula sa kanilang mga opisina at ng mga residente sa mga kalyeng dinaanan ng ruta ng homecoming parade ng beauty queen.

Bumaha rin ng positibong mensahe sa social media mula sa mga taong nakasaksi ng parada at halos lahat sila ay pinuri ang ganda at kaseksihan ni Catriona.

Ayon nga sa isang netizen, bakit daw kahit sobrang init ng panahon ay parang hindi humuhulas ang beauty ng dalaga.

Ibang-iba rin daw ang feeling nang matapunan sila ng tingin at ngiti ni Catriona. In fairness, may mga naiyak pa nga nang kawayan sila ng Pinay beauty queen at bigyan ng flying kiss.

Bigay-todo rin naman si Catriona sa kanyang flying kiss, pag-wave, at pagsayaw sa mga Pinoy fans na nag-abang sa kanya.

Samantala, sa nakaraang homecoming presscon naman ni Catriona, nagbigay siya ng payo para sa mga aspiring 2019 Miss Universe Philippines.

“It’s really you have to be true to yourself, because you know, we’re so lucky here in the Philippines, to be surrounded by amazing teams of people who lift you and carry you throughout your preparations,” aniya.

Ayon pa kay Catriona, kahit 100 percent ang suporta ng kanyang glam team, kailangan pa rin ng talaga lakas ng loob at determinasyon, “But once you get there and compete, you’re all alone. In a sense that you’re by yourself and you may have naman the social media, but essentially you’re by yourself.”

“You need to stay true to yourself and have that strength whether you draw it from your advocacy, whether you draw it from your supporters, whether from your family. You need to have that strength.

“Because through those moments in the pageant, you are overwhelmed. When you are feeling doubtful, that happened to me, and that’s where I drew strength from.

“And it carried me all the way through even until now there are moments that I’m homesick. But I always remember why I’m here and it keeps me going,” pahayag pa ng reigning Miss Universe sa muling pagharap niya sa mga miyembro ng media sa Pilipinas.

Sa huling bahagi ng panayam, ito ang iniwang mensahe ni Catriona sa mga mapipiling kandidata para sa 2019 Binibining Pilipinas.

“It would be, is to know why you’re doing this. Is it for you to gain new opportunities? Is it a stepping platform to something? Is it your advocacy? Is there another motivation?

“You need to find a purpose in your doing this. Throughout the whole journey you will need that purpose to hold on to and that’s what is going to carry you through,” sey pa ng dalaga.

Read more...