Ogie sa bashers ni Regine: Sino umaapi sa asawa ko, ako po ang harapin n’yo!

OGIE ALCASID AT REGINE VELASQUEZ

“AKO ang harapin n’yo!” Yan ang hamon ni Ogie Alcasid sa mga netizens na nambabastos at nang-aaway sa kanyang asawang si Regine Velasquez.

Ito’y matapos ngang makipagsagutan ang Asia’s Songbird sa ilan niyang fans sa social media para ipagtanggol si Morissette na nakatikim ng matinding panlalait mula sa mga netizens na nagpakilalang mga Reginians.

Hindi kasi nagustuhan ng mga fans ang pagpayag ni Regine na i-record ni Morissette ang 2003 hit song niyang “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.” Hindi raw deserving ang dalaga na gumawa ng sarili niyang version nito.

Sabi pa ng isang basher, “Never mo mararating kahit one-fourth man lang ng achievements ni Regine or Sarah Geronimo. Magka-hit song ka muna ulit! Kagigil ka!”

Inalmahan ito ng Songbird at talagang pinaglitan ang kanyang mga fans, “Umiinit ulo ko sa inyo. Ang pinaka ayoko ‘yung napapahiya sa kagagawan ng ibang tao! Hindi ako mag ri-relax, pinapahiya niyo ‘ko… I’m disappointed.”

Nang makarating naman ito kay Ogie, agad siyang nag-tweet ng mensahe para pakalmahin ang kanyang asawa. Hinamon pa nga niya ang ilang netizens na nang-aaway kay Regine ng, “Sino na naman ang umaapi sa asawa ko? Ako harapin nyo.”

Sa sumunod niyang tweet, nakiusap din ang singer-songwriter sa mga netizens, “You do not hurt or ‘bash’ someone you claim to love. It just doesn’t make sense.”

“Lets try to be kind,” pahabol pa ni Ogie.

Read more...