NAKATAKDANG bukas sa Kamara de Representantes si 2019 Miss Universe Catriona Gray para magbigay ng courtesy call kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Inaasahan na darating si Gray alas-4 ng hapon.
Dahil walang sesyon ang Kongreso, siya ay pupunta sa Social Hall ng Office of the Speaker.
Ngayong araw ay pumarada si Gray sa Kamaynilaan sakay ng Mayon and Mikimoto crown-inspired float.
Marami nang beauty queen ang nagbigay-pugay sa Kamara.
MOST READ
LATEST STORIES