Thea nakipagbalikan kay Makoy: Bigla na lang

THEA TOLENTINO AT MAKOY MORALES

Ngayong Sabado ng hapon, may bonggang pasabog ang GMA Afternoon Prime na Asawa Ko, Karibal Ko.

Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, sasabog na ang pinakatagu-tagong lihim ni Venus (Thea Tolentino).

Kamakalawa, dumalaw kami sa taping ng AKKK kasama ang ilan pang entertainment reporter at dito nga namin nalaman na ngayong Sabado na aalingasaw ang mga baho ni Venus, kabilang na ang kanyang pagiging transgender. Ano nga kaya ang magiging reaksyon ni Gavin (Rayver Cruz) na ang babaeng kanyang pinakasalan ay hindi pala tunay na babae?

Ikabaliw kaya ni Rachel (Kris Bernal) kapag nalaman niyang si Venus at ang asawa niyang si Nathan ay iisa lang? Pero ang tanong, papayag ba si Venus na basta na lang mauwi sa wala ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya para makuha lang si Gavin?

‘Yan ang kailangan n’yong tutukan ngayong Sabado sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Samantala, inamin ni Thea na nagkabalikan na sila ng Kapuso actor na si Mikoy Morales. Isang patunay dito ang isang Instagram photo ng aktres kung saan makikitang nakakandong siya kay Mikoy.

Kung matatandaan August, 2017 nag-break ang dalawa after four years of being together. Last year sila nagbalikan.

“Bigla na lang ulit, last year,” sabi ng dalaga. Hindi raw siya niligawan uli ni Makoy, “Walang ganu’n. Parang bigla lang po talaga.”

Ang natutunan daw niya sa relasyon nila ni Makoy, “Huwag na nating lokohin ang mga sarili natin!’ Charot!”

Read more...