ASAHAN na ang Philippine taekwondo team na maghatid ng mga gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games.
Ito ang sinabi ni Barcelona Olympics bronze medalist Stephen Fernandez.
“Our taekwondo team will definitely surpass our achievements in the last SEA Games in Kuala Lumpur two years ago,” sabi ni Fernandez sa ika-11 na Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) “Usapang Sports” forum na ginanap Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.
“As our good friend and 2019 SEAG chef de mission Cong. Monsour (Del Rosario) told you when he guested here weeks ago, our taekwondo association is preparing very hard for the SEA Games.”
“As host country in the SEA Games, ayaw naman natin na mapahiya tayo dito sa taekwondo community natin,” dagdag pa ni Fernandez, na dalawang beses inirepresenta ang bansa sa Olympics noong 1988 Seoul at 1992 Barcelona Games.
“There are a series of activities lined up for our national team sa mga darating na buwan. Katatapos lang namin ng Carlos Palanca Jr. this month in Mall of Asia where our national players competed and were able to defend their slots in the national team.”
Bagamat hindi siya nagbigay ng eksaktong bilang ng mga medalya na mapapanalunan ng bansa, sinabi ni Fernandez na kumpiyansa siya na ang mga pangunahing taekwondo jin ng bansa ang mangunguna dito.
“We have Pauline Lopez, one of our top bets in the female category. Samuel Morrison is also there in the men’s division. And we have a formidable poomsae team made up JR Reyes and the Mella brothers, Dustin Jacob and Raphael Enrico,” ani Fernandez.
Ang Pilipinas ay nagwagi ng dalawang ginto, tatlong pilak at apat na tanso sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang mga nagwagi ng ginto ay si Morrison sa men’s kyorugi lightweight division at ang koponang binubuo nina Reyes at magkapatid na Mella sa men’s poomsae event.