Angel pinagalitan sa taping ng General’s Daughter dahil laging late; nag-walkout

Angel Locsin

SAYANG naman ang pagbabalik teleserye ni Angel Locsin dahil kasisimula pa lang ng The General’s Daughter ay meron na agad ipinanganak na problema sa set ng palabas.

Hindi na maitatago ang mga kuwento, nu’ng nakaraang Biyernes ay nag-walkout ang aktres sa taping, nu’ng Lunes ay hindi rin siya sumipot, may malalim na problema ang produksiyon kay Angel Locsin.

Maraming sinasabing dahilan kung bakit umalis nang walang paalam ang bumibida sa serye, hindi na raw kasi niya matagalan ang pagsigaw-sigaw ng kanilang direktor.

May lumutang ding kuwento na ang inirereklamo ni Angel ay ang script na hindi pa raw tapos habang nagte-taping sila. Isinusubo lang diumano ng assistant director ang mga linyang bibitiwan ng mga artista.

Pero meron namang ibang bersiyon ang isang impormanteng nakakuwentuhan namin. Palagi raw kasing late sa taping ang aktres, maraming naaapektuhang ibang artista at mga eksena sa palaging late niyang pagre-report sa taping, kaya sinabihan siya ng staff na maging propesyonal naman sana.

Hindi raw ‘yun nagustuhan ni Angel Locsin, kaya agad niyang sinabihan ang kangyang PA na ayusin na ang kanyang mga kagamitan, dahil aalis na sila.

‘Yun daw ‘yun.

Read more...