Paolo may dasal para sa mga anak: Gusto ko lang ng tahimik na buhay


UMAASA si Paolo Contis na darating din ang tamang panahon na maipakikilala niya ang anak nila ni LJ Reyes na si Baby Summer Ayanna sa dalawa niyang anak kay Lian Paz.

Sa panayam ng ilang entertainment reporter kay Pao sa presscon ng bagong daytime series ng GMA 7 na Hiram Na Anak, sinabi ng aktor na ipinagdarasal niya na maging maayos ang relasyon nina Xonia at Xalene kay Baby Summer.

“As you go older, you just want a quiet life. You want everything in place regardless of all the mistakes and kung ano man nangyari nu’n. Nakaraan na ‘yon. I cannot wish for anything else but to have a quiet life and live harmoniously with everyone at home,” ani Paolo.

Sa tanong kung may pagkakaiba ba ang pag-aalaga niya noon sa mga anak niya kay Lian sa anak nila ngayon ni LJ, “You take care of your kids of course, hands on pareho, in love na in love ako sa mga anak ko. With Summer now, super. May oras ako na nakatitig lang ako kay Summer.”

“I believe that the day will come that I will be able to say my piece, but not to the public. Just to them, kasi kung meron mang kailangang eksplanasyon sa mga nangyari, sa kanila, kasi nadamay sila eh.

“They just have to know that I never stopped loving them regardless of whatever happened and hopefully one day I will be able to talk to them properly and explain my side,” dagdag pa ng Kapuso actor.

At sa usaping kasalan, “Lawyers ‘yong nandiyan to fix it, I trust the justice system, we’re all waiting, I’m sure ‘yong kabilang panig eh naghihintay din. Kami din naghihintay din para lahat kami makapagmove on ng maayos.”

Hindi pa legally separated sina Paolo at Lian.

Read more...