Boobay, Tekla jackpot sa TBATS, wagi uli sa ratings game

TEKLA AT BOOBAY

WALANG duda, sina Boobay at Super Tekla na ang inaabangan ng mga manonood tuwing Linggo ng gabi.

Mula nang umere ang kanilang The Boobay And Tekla Show ay hindi na ito natinag sa TV ratings.

Talagang pinatataob nila ang kalabang programa every Sunday night dahil sa tuluy-tuloy na paghahatid ng saya at entertainment na puno ng good vibes every episode.

Kaya naman bilib na bilib ang production staff at iba pa nilang katrabaho sa show sa talento at hardwork nina Boobay at Tekla kaya naman marami silang blessings na natatanggap kabilang na ang tagumpay ng TBATS.

Abangan ang next pasabog nina Boobay at Tekla kaya tutok na uli ngayong Linggo ng gabi sa TBATS pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.

Read more...