Miyembro ng rebel breakaway group niratrat

PATAY ang kasapi ng isang grupong tumiwalag sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Nakilala ang nasawi bilang si Jonybert Sabico, 40, miyembro ng Revolutionary Proletarian Army (RPA), ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Ang RPA ang armadong sangay ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawà ng Pilipinas, na humiwalay sa CPP-NPA noong dekada 90.

Naganap ang pamamaril dakong alas-7:20 ng umaga Martes, sa Sitio Gutosan, Brgy. Camansi.

Nagmomotorsiklo si Sabico nang pagbabarilin ng anim na kalalakihan, ayon sa ulat.

Natagpuan sa pinangyarihan ang dalawang slug at 14 basyo ng kalibre-.45 baril.

Read more...