MARAMING tindahan ang Calabarzon (Region 4-A) ang nagtitinda ng mga pampaputi na nagtataglay ng mercury, isang kemikal na nakasisira ng kidney, nervous system at balat.
Ayon sa EcoWaste Coalition nakabili ito ng mga ipinagbabawal na whitening cream na gawa umano sa China.
“Mercury, which is forbidden in cosmetic product formulations, is hazardous to health. Chronic exposure to this highly toxic chemical can cause damage to the kidneys, nervous system, and to the skin itself,” ani Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWaste.
Umaasa ang EcoWaste na agad na aaksyon ang mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan upang makumpiska ang mga ipinagbabawal na produktong ito.
“We are appalled by the traders’ utter disregard for consumer health and safety that is threatened by mercury in cosmetics that promise to brighten and smoothen the skin,” dagdag pa ni Dizon.
Sa isinagawang test buy, nakabili ang EcoWaste ng mga 22 skin whitening cosmetics sa halagang P60-P200 mula sa iba’t ibang tindahan sa Cavite City, Imus, sa lalawigan ng Cavite; Biñan, San Pablo at San Pedro sa Laguna; Batangas City at Lipa sa Batangas; Antipolo sa Rizal at Lucena sa Quezon.
Lagpas umano sa 1 parts per million limit ang mercury na nakita rito sa pagsusuri.
Ilan sa mga ito ang S’Zitang 7-Day Specific Whitening & Spot A B Set (na may 3,058 ppm ng mercury), Jiaoli Miraculous Cream (2,638 ppm), Jiaoli 7-Day Specific Eliminating Freckle AB Set (2,636 ppm), S’Zitang 10-Day Whitening & Spot Day-Night Set (2,627 ppm), Mifton (1155 ppm), JJJ Magic Spot Removing Cream (976 ppm), at Erna Whitening Cream (925 ppm).