Pia ilang oras nag-pose para sa wax museum ng HK


SA Abril, 2019 ang grand unveiling ng wax figure ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa Madame Tussauds na matatagpuan sa Peak Tower, Hongkong Island.

Ang Madam Tussauds ay kilalang wax museum na pag-aari ni Marie Tussaud mula sa France.

Pero bago ang grand unveiling sa Hongkong ay mauuna muna rito sa Pilipinas sa Marso. Yes, bossing Ervin, dadalhin sa bansa ang wax figure at sa MOA ito ipupuwesto base sa kuwento ng handler ni Pia na si Rikka Infantado Fernandez.

Kuwento ni Rikka, “First ever Pinoy wax figure ang kay Pia sa Madame Tussauds HK. Mabusisi sila, ilang hours naka-pose si Pia para ma-achieve ang perfect na itsura. Sure ako na OA sa dami ang magpapa-picture sa kanya.”

Ayon pa kay Rikka, “Eto fun fact, kinuha pa ng Madame Tussauds ang dental impression ni Pia sa Center for Advanced Dentistry, ganoon sila kadetalye!”

Kung hindi magbabago ay ang blue gown na isinuot ni Pia sa Miss Universe ang ginamit sa kanyang wax figure. Nakabalik na rin si Pia sa Pilipinas nitong Lunes at sumabak agad siya sa taping ng World of Dance.

Read more...