Dingdong, Marian malaki ang kita sa socmed; ginawaran ng Silver Play Button sa YouTube

MARIAN RIVERA AT DINGDONG DANTES

NAGBUNGA ng Silver Play Button sa YouTube ang pagiging celebrity vloggers ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Isa itong milestone para sa kanila to think na kailan lang nila pinasok ang mundo ng vlogging, huh!

Sa loob ng tatlong buwan after itong ni-launch ng mag-asawa, halos 300,000 subscribers na ang naakit ng posts nila.

Eh, kailangan talagang sandamakmak ang bilang ng iyong subscribers para makatanggap ng Silver Play Button sa YouTube.

Ang actor-DJ na si KC Montero ang isa sa mga unang nag-congratulate sa mag-asawa sa award na natanggap nila.

Of course, another source of income ito para kina Dong at Yan, huh!

Kung may pera sa basura, may pera rin sa social media! Congrats, Dong and Marian!

Read more...