2 lasenggong aktor na sabay pumasok sa showbiz may ‘nakaraan’

NU’NG mga bagets pa ang mga kilala nang aktor ngayon ay alam na agad ng mga nakakasama nila sa produksiyon kung sino ang aangat talaga ang career at kung sino ang mapag-iiwanan.

Hindi lang sa pag-arte binabantayan ang mga bagets, pati ang kanilang disiplina ay bantay-sarado rin ng mga namamahala ng show, du’n nila nakita kung sinu-sino ang mahuhuli sa biyahe.

Kuwento ng aming source, “’Yung isang bagets na puro kalokohan ang pinaggagagawa sa set, alam nilang sasabit sa kung anu-anong gulo ang bagets actor na ‘yun! Wala kasi siyang ginawa kundi ang mam-bully ng mga kapwa niya artista.

“Grabe ang kalokohan ng male personality na ‘yun! Nandiyang itago niya ang slippers ng mga kasamahan niyang girls. Nagmamakaawa na ‘yung mga babae para ilabas niya ang mga tsinelas, pero deadma lang siya!

“Nu’ng minsan namang kailangang mag-retake ng isang eksena ang isang bagets actor, itinago niya ang t-shirt na kailangang gamitin uli nu’ng kukunan!

“Ganu’n na siya katindi kahit nu’ng mga bagets pa lang sila, naging ugali na niya ang mam-bully ng mga co-stars niya!” napapailing na chika ng aming impormante.

Pero minsan pala ay pinatulan siya ng isang bagets actor din na seryoso sa buhay. Itinago niya ang isang pares ng sapatos ng male bagets, napikon ito, at kinompronta ang nambu-bully na bagets actor.

“Wala siyang nagawa kundi ang ilabas na lang ang isang pair ng shoes ng bagets na itinago niya. Ang sabi kasi nu’ng bagets sa kanya, ‘Ako, hindi ako nakikipag-ungguyan sa iyo, huwag mo akong itulad sa iba na kayan-kayanan mo! Ilabas mo ang sapatos ko, or else, uupakan kita!’

“Hanggang ngayon, e, hindi sila magka-vibes, ayaw sa kanya nu’ng bagets actor na ngayon, e, ang galing-galing nang umarte at sumikat din.

“Pero they have something in common. Pareho silang mahilig maglasing. Ang pagkakaiba lang nila, kapag lango na sa alak si bagets actor, tahimik lang siya, emote lang nang emote!

“Pero itong male personality na napaka-bully na nu’ng bagets pa lang siya, e, mahilig sa gulo, nang-aaway siya kapag lasing na, kaya palagi siyang bumibida sa mga awayan. Barumbado!” pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, maupo pa kaya kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Read more...