P10M naabo sa sunog sa auto shop sa Mandaluyong — BFP

UMABOT sa P10 milyon ang halaga ng mga aria-arian na natupok matapos sumiklab ang sunog sa isang auto repair shop sa Mandaluyong City nitong Lunes, ayon sa ulat mula sa Bureau of Fire and Protection.

Ayon sa spot report na nakuha ng INQUIRER.net, nagsimula ang sunog ganap na alas-11:14 ng umaga na nagsimula sa stockroom ng Prestige Autosports Center Corporation na pag-aari ni Raymund Lu Go.

Matatagpuan ang stockroom sa pagitan ng showroom at sa pagawaan ng mga sasakyan.

Mula sa stockroom, mabilis na kumalat ang sunog sa showroom. Nasunog ang maraming sasakyan na ipinapagawa.

Nagdulot din ng pagsabog ang kotse na nakaparada sa loob ng shop matapos mainitan ang mga drum na may gamit n langis.

Kabilang sa mga nasunog ang isang Mustang, isang Porsche, isang Subaro, dalawang closed van at dalawang sasakyan ni Senator JV Ejercito.

Read more...