189 sa bawat 100K Pinoy may kanser

MATAPOS lagdaan ni Pangulong Duterte ang National Integrated Cancer Control Act, nanawagan ang isang lady solon sa Department of Budget and Management at Department of Health na maglaan ng sapat na pondo sa pagpapatupad nito.

Ayon kay Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy dapat ay matupad ang intensyon ng batas na magkaroon ng malawakang cancer screening upang maagang ma-detect ang nakamamatay na sakit na ito.

“Well-organized and amply-funded cancer early detection campaigns among the most-at-risk segment of our population will be crucial to the successful implementation of the newly-approved law,” ani Dy.

Sinabi ni Dy na marami ang namamatay dahil hindi kaagad natutuklasan ang kanser dahil sa kakulangan ng screening.

“Madalas ipinagbabale-wala ng maraming Pinoy ang mga sakit sa katawan at mga sintomas. Dahilan lagi ang kawalan ng pera,” dagdag pa ng solon. “When Filipino families are assured that their medical tests and other basic health needs can be covered by PhilHealth, they will have much less hesitance in seeing their doctor.”

Umaasa naman si Antipolo City Rep. Cristina Puno na bababa na ang bilang ng mga namamatay dahil sa sakit na ito.

“Every day, 11 new cases of the Big C are recorded in the country. According to the Cancer Coalition of the Philippines, cancer claims the lives of seven adults and eight children every hour,” ani Puno.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang kanser ang ikatlong sanhi ng pagkamatay ng mga Filipino mula noong 2004. Mula 2012, 189 sa bawat 100,000 Filipino ang may kanser.

“For so long, our cancer patients and their loved ones have been carrying such a heavy burden. In fact, most patients who succumb to cancer do so because they cannot afford treatment. Hindi po porke’t mahirap ay hahayaan na lamang nating mamatay nang walang lunas,” ani Puno.

Read more...