Pati kilay ni Kris hindi pinatawad ng kapatid ni Nicko Falcis


SUPALPAL na supalpal si Kris Something sa aria ni Atty. Jess Falcis.

A few months back, Kris was telling Nicko Falcis, brother of Jess, na harapin naman niya ang mga kaso niya. Sinampahan ng 44 counts of qualified theft si Nicko ni Kris.

Apparently, Kris did not walk her talk. Kasi naman, twice na niyang hindi sinipot ang hearing ng kasong isinampa niya.

“Hi Kris Aquino! I’m baaack. Ayos na ayos na ang IG ko (nag bug IG sa phone ko for two weeks) akala mo mapapabura mo ang account ko? Haha in your dreams!”

“Twice ka na wala sa hearing ng kaso mo. Ako first hearing pa lang sa cyber libel case na finile mo present ako! Harapin mo naman mga kaso mo. xoxo oopps.

“P.S. Mukha kang haggard nung birthday balloon pic mo. Plus hindi pantay yung kilay mo. Akala ko ba kilay is life? #Artecaria #QueenOfAllLiars.”

‘Yan ang hanash ni Jess against Kris.

“Make sure bumalik ka ah! Kasi di ba, sabi mo last year flight is guilt. Napakatuso ng propaganda mo noh?

“Ikaw na nga nag utos kay Kuya na mag Bangkok nuong mid of September, binantaan mo sya nuong September 27 na ipapapatay mo sya at wag babalik ng Pilipinas, TAPOS SASABIHIN MO SA MGA PILIPINO FLIGHT IS GUILT nuong November?

“Omg madam? ibang level ang malevolence and manipulation mo!” dagdag pa ni Jess.

Read more...