Sino ang magbubuwis ng buhay sa pagtatapos ng Onanay?

KATE VALDEZ AT MIKEE QUINTOS

PATINDI na nang patindi ang mga kaganapan sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Telebabad series na Onanay.

Hindi pa rin natatagpuan ng mag-inang Onay (Jo Berry) at Natalie (Kate Valdez) si Maila (Mikee Quintos) matapos ipakidap ni Helena (Cherie Gil). Nananatiling nasa panganib ang buhay nito habang hindi pa nahuhuli si Helena.

Sa nakaraang episode ng Onanay, nabaril ng security guard ni Helena si Dante (Gardo Versoza) matapos nitong sugurin ang lola ni Natalie at paaminin kung nasaan si Maila. Tuluyan nga kayang magbuwis ng buhay si Dante bilang kapalit ng kaligtasan ng anak ni Onay?

Hanggang kailan maghahari ang kasamaan ni Helena? Makaligtas pa kaya si Maila o ito mismo ang mag-alay ng buhay para mailigtas ang kanyang pamilya? ‘Yan ang abangan sa nalalapit na pagwawakas ng Onanay sa Telebabad.

Read more...