‘Lucky car’, SUV ni JV Ejercito kabilang sa mga naabo sunog sa Mandaluyong

NASUNOG ang dalawang sasakyan ni Sen. JV Ejercito matapos sumiklab ang sunog sa isang auto repair shop sa Mandaluyong City kahapon ng umaga.

Sa isang post sa Twitter, sinabi ni Ejercito na kabilang ang kanyang 10-taong “lucky” Toyota Sequioa sa mga nasunog.

“I feel sad, my car for the past 10 years, my Toyota Sequioa burned in the fire at Autoplus Car Center this morning,” sabi ni Ejercito sa isang tweet.

“Feeling sentimental because we’ve been through so many battles and it was my most reliable, not to mention “lucky” car. Will be missing this car,” dagdag ni Ejercito.

Napinsala rin ang Ford Everest ni Ejercito.

Sumiklab ang sunog sa Autoplus car center ganap na alas-11:14 ng umaga. Itinaas ang ikalawang alarma ganap na alas-11:30 ng umaga.

Read more...