NANAWAGAN ang EcoWaste Coalition sa mga kandidato sa nasyonal at lokal na posisyon na sundin ang ordinansa ng Quezon City kaugnay ng paggamit ng plastik sa pangangampanya.
Sa ilalim ng Sangguniang Panglungsod 2202 ipinagbabawal ang paggamit ng polyethylene plastic advertisement at propaganda materials sa lungsod.
“Full compliance will contribute to reducing the volume of plastic campaign litter polluting the environment,” ani Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWaste.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P3,000 hanggang P5,000 at tatlong araw na community service.
Kung kumpanya ang gumamit ng ipinagbabawal na materyales ay maaaring kanselahin ang business permit nito.
“While the prohibition is restricted to polyethylene plastic materials, we appeal to everyone to limit their use of polyvinyl plastic election tarpaulins as these may contain cadmium and other hazardous chemicals that pose risks to human health and the environment,” dagdag pa ni Dizon.