USAPAN ngayon ang “perception survey” ng SWS sa bilang ng mga drug addict nitong December 2018.
Bumaba ng 66 percent ang mga drug addicts kumpara sa datos nito noong 2017. At pinakamalaking bumaba sa Mindanao-83 percent, Visayas-71 percent, Metro Manila-67 percent at Balance Luzon-54 percent. Sa mga rural areas, bumaba ito ng 68 percent samantalang sa mga urban areas ay 63 percent.
Sabi ng PNP, patunay itong epektibo ang kanilang anti-illegal drug campaign, lalo pa’t bumaba rin ang “crime index” sa lahat ng lugar sa bansa.
Kung ikukumpara noong 2014-2015 sa panahon ni PNoy kung saan 401,112 incidents ang total crime volume, bumagsak ito sa 212,773 incidents o 46.95 percent mula 2016-2018 o dalawang taon ng Duterte administration. At nitong Enero 2019, sinabi ng PNP na bumagsak pa ng 9.14 percent ang total crime volume sa buong taong 2018 kumpara sa 2017.
Ibig sabihin nito, ang PNP statistics at ang “public perception” ay hindi nagkakalayo.
Una, direkta talagang may kinalaman ang drug addiction sa maraming krimen. Ikalawa, ang patuloy na pagtugis sa mga “pushers” at “users” hanggang baranggay level ay nagpapakita na hindi sila magandang ehemplo kayat umiiwas na ang kabataan sa droga.
Dito sa Metro Manila, nawala na yung mga adik na dating humahara-harang sa labasan o sa mga pondohan. Nawala na rin ang lantarang pagtutulak dahil mismong mga kapitbahay ang nagsusuplong sa kanila.
Madugo ang labanan kontra droga, pero napakaraming naliligtas na biktima ng krimen dahil nauubos na ang mga addict at lulong sa bawal na gamot.
***
Sa panahon ng matin-ding traffic, dagdag pahirap itong mga “parada”, “house to house” at paglilibot ng mga kandidato sa local maging national.
Walang pakundangan kung magsara ng mga side streets, ni walang baranggay traffic o “road marshall” man lamang at pi-nababayaan na maging standstill ang trapiko.
Naranasan ko iyan sa Highway 2000 sa Taytay, Rizal habang ako’y patungo sa isang kasal sa Antipolo. Hindi ko alam na piyesta pala roon, pero ang matindi iyon mismong mga “major roads” nila ang isinara kayat libu-libong motorista sa Pasig at kalapit bayan ang naperwisyo. Ako‘y naipit sa loob ng mga side streets kung saan one way lang ang dadaanan.
Nangyari na rin sa akin iyan noon sa Santa Ana, at Tondo, Maynila kung saan halos lahat ng kalye sarado. Sa panahong maraming motorista ang sumusunod sa Waze o kaya’y Google Map, ang biglaang pagsasara ng kalye dahil sa pulitika o piyesta ay naka-kagalit. Nasaaan na ang mga baranggay official o traffic cops na may mandong siguruhin ang daloy ng trapiko doon?
***
Isasara simula ngayong Sabado Feb 23 ang Tandang Sora flyover sa Commonwealth avenue na gigibain para bigyang daan ang MRT-7 rail track, train station at isang elevated guideway.
Magtatayo rin ang MMDA ng dalawang “elevated U-Turn slots” sa Commonwealth ave para sa mga motoristang patungo ng Fairview o Quezon Memorial Circle.
Ayon sa mga planong nakita ko, mawawala ang apat na lanes ng gigibaing Tandang Sora Flyover, pero, nandyan pa rin ang “eight lanes” papuntang Fairview at “seven lanes” patungo sa QC Memorial circle.
Kasama ako sa 100,000 motorista na apektado rito. Sana naman hindi mawala ang 154 MMDA personnel at 100 QC traffic flagmen na itatalaga sa lugar.
Nauubos ba ang mga drug addict?
READ NEXT
Demand for a sign
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...