Pagbabawal sa mga kandidato sa graduation rites pinag-aaralan ng DepEd

PINAG-AARALAN ng Department of Education na pagbawalan ang mga kandidato na magsalita sa graduation rites ng mga paaralan.

Ayon kay Education Usec. Nepomuceno Malaluan wala sa guidelines ng ahensya na pagbawalan ang mga kandidato na magsalita sa graduation rites kapag panahon ng halalan pero kanila itong pag-uusapan matapos ang panawagan ni Commission on Elections spokesman James Jimenez sa mga paaralan na huwag mag-imbita ng mga kandidato.

“Pag-uusapan namin ‘yan dahil, obviously, it’s not a political activity,” ani Malaluan. “It is not meant directly to ask for the vote of a person. Pero kung mauwi sa ganun ay ‘yun ang pinagbabawal.”

Sinabi ni Malaluan na maaaring maharap sa kasong administratibo ang mga opisyal ng paaralan kung lalabas na humihingi ito ng boto para sa partikular na kandidato.

Nagsimula na ang kampanya para sa mga senador at partylist noong Pebrero 12.

Read more...