Digong tumulak pa-Hong Kong

KINUMPIRMA ng Palasyo na tumulak pa-Hong Kong si Pangulong Duterte kasama ang kanyang long-time partner na si Honeylet Avanceña at bunsong anak na si Kitty para magbakasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na regalo ito ni Duterte kay Honeylet na nagdiriwang ng kanyang kaarawan. 

“Yup. He is in Hong Kong with Honeylet. It’s the latter’s birthday today,” sabi ni Panelo. 

Sinabi naman ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na si Kitty ang humiling sa kanilang bakasyon sa Hong Kong.

“It was actually Kitty who requested her father for the trip, as a gift. Nagawa na ito nila noon kahit nung Mayor pa ng Davao City si PRRD. The weekend getaway is for rest and recreation,” sabi ni Go.

idinagdag ni Go na itinalaga ni Duterte si 

Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer in charge.

Umalis ang First Family kahapon at nakatakdang bumalik bukas, ayon pa kay Go.

Read more...