Ronnie: Mag-I love you ka nga hindi naman totoo wala rin…


NILAGYAN ng isyu ng ilang netizens ang hindi pagsasabi ng “I love you” ni Ronnie Alonte sa girlfriend niyang si Loisa Andalio.

Nag-post kasi si Loisa sa Instagram ng litrato nila ni Ronnie na may caption na, “My one and only.”

Sinagot naman ito ng Hashtag member ng simpleng, “143” na pinaikling “I love you”.

Nag-comment ang isang IG follower ni Loisa ng, “I don’t know bat di niya kayang mag ’I love you’ kay loisa? Mahal mo naman di ba?”

Sagot naman ni Ronnie, hindi nasusukat ang pagmamahal ng isang tao sa pagsasabi lang ng “I love you.”

Depensa ng binata, “Kahit mag iloveyou ako ng napakadami di dun mababase un! Mag iloveyou ka nga di naman totoo wala din. Mas importante ang gawa kesa salita. Gets?”

Marami naman ang kumampi kay Ronnie sa naging paliwanag niya.

Samantala, last Valentine’s Day ay hindi rin nagpahuli sa pagse-celebrate sina Ronnie at Loisa. Muling nag-post ang young actress ng sweet photos nila ni Ronnie sa Twitter.

Sa isang photo ay makikita si Loisa na may dalang bouquet of red roses at box of chocolates na iniregalo sa kanya ni Ronnie. Maikling tweet ni Loisa, “Napaka saya ng puso.”

Read more...